Job fair caravan sa Subic Bay Freeport – dinagsa ng mga naghahanap ng trabaho

Subic, Philippines – Dinagsa ng mga walang trabaho ang “jobs fair” caravan na isinagawa sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) gymnasium.

Nagbukas kasi ng 30,000 trabaho ang 100 kumpanya namay layuning mabigyan ng trabaho ang mga empleyado ng Hanjin na mawawalan ng trabaho.

Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) nasa 3,000 empleyado ng hanjin ang mawawalan ng trabaho.


Ayon kay Public Works and Highways Sec. Mark Villar, malaking tulong ang job fair para maikonekta ang mga employers sa mga emleyado.

Tiniyak naman ni Labor Sec. Silvestre Bello III na may i-aalok sila na pang kabuhayan sa mga empleyado ng hanjin na hindi makakakuha ng trabaho sa jobs fair.

Dagdag pa niya na makakahanap agad ng trabaho ang hanjin employees dahil highly skilled at mga bata pa ang mga ito.

Facebook Comments