Job fair, ikakasa ng Pasay PESO ngayong araw katuwang ang Radyo Trabaho ng DZXL RMN Manila

Iniimbitahan ng Pasay Public Employment Service Office (PESO) sa pamamagitan ng Radyo Trabaho ng DZXL RMN Manila ang mga naghahanap ng trabaho na pumunta sa isasagawang job fair ngayong araw para sa mga graduate ng k-to-12 program.

Aabot sa 50 kumpanya ang lalahok na gaganapin sa Cuneta Astrodome.

Bukod dito, may ikakasa din silang aktibidad sa March 27 para sa selebrasyon ng buwan ng mga kababaihan.


Sa pagbisita ng RT team sa kanilang tanggapan kahapon, sinabi ni PESO Manager Filipinas Rosario Sampang – malaki ang maitutulong ng Radyo Trabaho lalo na sa information dissemination.

Anya, maraming trabaho sa iba’t-ibang PESO pero kulang ang kaalaman ng publiko hinggil dito.

Samantala, susugod naman ang RT team sa PESO Manila bukas ng hapon at makikipagpulong kay Manager Aileen Galang at mayroon ding courtesy call kay City Administrator Atty. Jojo Alcovendaz.

Facebook Comments