JOB FAIR, ILULUNSAD SA BAYAN NG ECHAGUE

CAUAYAN CITY- Magkakaroon ng Job Fair sa munisipalidad ng Echague bilang bahagi ng selebrasyon ng Mengal Festival 2024.

Ito ay gaganapin sa ika-22 ng Oktubre mula alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali sa Echague evacuation center.

Ang naturang aktibidad ay inisyatiba ng Lokal na Pamahalaan ng Echague katuwang ang Department of Public Employment Service Office at Department of Labor and Employment Region 2.


Sa kasalukuyan, mayroon ng siyam na kumpanya ang nagkumpirmang sasali sa naturang job fair at inaasahang madaragdagan ito sa mga susunod na araw.

Facebook Comments