*Cauayan City, Isabela- *Tinatayang nasa 2,000 katao ang mabibigyan ng trabaho sa gagawing job fair bukas, Abril 09, 2019 na isasagawa sa SM City Cauayan.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni City Mayor Bernard Dy sa 98.5 RMN Cauayan bilang bahagi sa pagdiriwang sa Gawagaway-yan festival ng Lungsod at inaasahang magsisimula mula alas nuebe ng umaga hanggang hapon.
Bukod sa mga iba’t-ibang kumpanya na makikilahok sa ilulunsad na Job Fair ay makikilahok rin ang mga Business Process Outsourcing (BPO) o Call Centers.
Maaari na rin anyang mag-apply ang mga bagong nagtapos sa kolehiyo maging sa mga wala pang trabaho lalo na sa mga Cauayeño upang mabigyan ng trabaho.
Samantala, inihayag ni City Mayor Bernard Dy na nasa plano na ng pamahalaang Lungsod ng Cauayan ang pagpapatayo ng BPO Center dahil malaking tulong at pagbabago anya ito sa ekonomiya ng Lungsod kung magkakaroon ng Call Centers.