Job fair, isasagawa ng DOLE sa ilang mall sa Metro Manila sa Araw ng Kalayaan

Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga naghahanap ng trabaho na lumahok sa isasagawa nilang job fair sa Araw ng Kalayaan, June 12, 2024.

Ito’y sa ilang mall sa Metro Manila kung saan aabot sa 31,350 na local at international na trabaho ang pwedeng aplayan.

Nabatid na nasa mahigit 500 employers ang makilalahok sa ikakasang Kalayaan Day Job Fair.


Maaaring magtungo sa ilang mall sa Caloocan, Manila, Pasay, Pasig, Marikina, Mandaluyong, Las Pinas, Taguig, at Quezon City.

Ang mga interesadong aplikante ay kinakailangang magdala ng maraming kopya ng resume at iba pang dokumento o requirements.

Maaari naman bisitahin ang Facebook page ng DOLE-National Capital Region para sa ibang impormasyon at iba pang alok na trabaho.

Ang hakbang na ito ng DOLE ay upang matulungan ang mga job seeker na makahanap ng trabaho at mapababa rin ang unemployment rate kung saan huli itong naitala sa 3.9% noong buwan ng Marso.

Facebook Comments