Isinagawa ang Isang mini Job Fair sa bayan ng Manaoag mula sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) ng bayan.
Umabot sa labing apat na naghahanap ng trabaho ang hired-on-the spot.
Ayon sa lokal na Pamahalaan, Malaking tulong ang pagsasagawa ng job fair upang mabigyan ng pagkakataon ang mga indibidwal na makapaghanap ng trabaho at magkaroon ng sapat na mapagkakakitaan.
Patuloy naman na magsasagawa ang tanggapan ng mga job hiring sa bayan at sisikapin umanong makapagbigay ng mas marami pang oportunidad sa kanilang mga nasasakupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









