Job Fair, Isinasagawa ngayon sa Santiago City!

30

Santiago City – Ginaganap ngayong araw ang Job Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Lungsod ng Santiago partikular sa Robinsons Place Santiago.

Ito ang ipinahayag ni Ginang Romina Armedilla,Public Employment Service Office (PESO) Head ng Santiago City sa naging panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya.


Ito anya ay nagsimula ganap alas dyes kaninang umaga at inaasahang matatapos mamayang alas kwatro ng hapon.

Ayon kay Ginang Armedilla, ito ay bahagi ng kanilang pagdaraos sa Balamban Festival at Founding Anniversary ng naturang lungsod.

Dagdag pa ni Armedilla, mayroong mahigit isang libo na Job Vacancies para sa local employment, overseas jobs at nasa 40 ang lumahok na kumpanya na nangangailangan ng mga karagdagang empleyado.

Karamihan anya sa mga trabaho ay kinabibilangan ng Hospital Industry, Lending Company, Retail at Financial Intermediary.

Samantala, isasagawa naman bukas ang Job Fair ng DOLE sa lungsod ng Ilagan kaya inaanyayahan na magpunta ang mga interesadong aplikante.

Paalalaa naman sa mga magtutungo na magdala ng mga requirements gaya na lamang ng biodata o resume, 2×2 picture; certificate of employment; diploma/transcript of records; at authenticated birth certificate.

Facebook Comments

From Advertisers