JOB FAIR NA INILUNSAD NG DOLE, DINAGSA

CAUAYAN CITY – Dinagsa ng mga job seekers ang inilunsad ng Department of Labor and Employment Region 02 na malawakang job fair sa lambak ng Cagayan bilang paggunita sa ika-126 ng Araw ng Kalayaan.

Hindi bababa sa limampung (50) katao ang na hired-on-the-spot mula sa iba’t ibang lokasyon ng job fair sa rehiyon dos kabilang na dito ang SM City Tuguegarao, at sa lungsod ng Ilagan.

Watch more balita here: 𝗕𝗔𝗠𝗕𝗢𝗢 𝗣𝗥𝗜𝗗𝗘 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗡𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬


Nasa 46 local employers at 5 overseas recruitment agencies ang nakibahagi sa nasabing Job Fair kaya naman sinamantala ito ng mga naghahanap ng trabaho.

Kaugnay nito, nasa 385 naman na Local Government Units sa Isabela ang ginawaran ng P7,380,000 na halaga mula sa Kagawaran.

Ang nasabing insentibo ay gagamitin para sa iba pang programa na ilulunsad ng Public Employment and Service Office ng bawat bayan sa Isabela.

Facebook Comments