Job fair ng DOLE ngayong Independence Day, hindi masyadong dinagsa ng mga aplikante

Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi masyadong dinagsa ng mga aplikante ang job fair ngayong Araw ng Kasarinlan dito sa Rizal Park.

Ito ayon kay DOLE Under Secretary Dominador Say ay dahil natapat ang job fair sa long weekend kung saan natural lang aniya na unahin ng mga tao ang kanilang bakasyon kaysa ang kanilang aplikasyon.

Nakadagdag din aniya sa hindi pagdagsa ng mga aplikante ang mainit na panahon, at ang katatapos lang na Job Fair noong Mayo 1 (Labor Day).


Aniya, pinag-aaralan na nila ang mas epektibong mga paraan, tulad ng paglilipat sa mga malls ng mga susunod pang job fair para mas maging convenient sa mga aplikante.
DZXL558

Facebook Comments