Job fair ng DOLE sa Mayo a-uno, kasado na

Kasado na ang isasagawang job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Mayo a-uno, Labor Day.

Ayon sa DOLE – magkakaroon ng 54 na job fair site sa buong bansa, alok ang nasa 120,000 trabaho.

Mahigit 50,000 rito ay local jobs habang mahigit 73,000 ang trabaho sa abroad.


Hindi pa kasama ang nasa limang daang job vacancies sa gobyerno.

Karamihan sa mga iaalok na trabaho ay mula sa services sector habang maliit na bahagi ay mula sa industrial at agricultural sector.

Samantala, bukas, April 27 aarangkada na ang job fair sa lungsod ng Malabon.

Ayon kay Malabon PESO manager Flor Austria, halos 11,000 job vacancies dito sa bansa at sa abroad ang naghihintay sa mga interesadong aplikante mula sa Camanava areas.

Gaganapin ang job fair bukas sa ganap na alas 10:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon sa 4th floor Malabon City Square.

Facebook Comments