Matapos masunogan noong buwan ng Marso, mahigit dalawang daang pamilya ang nawalan tahanan, kabuhayan, at marahil, hanap buhay.
Kaya napapanahon ang pagkakaroon ng kahit na isang mini job fair sa barangay 155, Tondo Maynila.
Nang ikutin ng Radyo Trabaho team ang lugar, mula sa harapan ng barangay hall hanggang sa may estero sa likurang bahagi ng barangay, naubos ang dalang flyers ng team at dama ng bawat isa na sabik sa trabaho ang mga tagaroon.
Si Aleng Victoria Rodolfo, isa sa mga nasunugan, saisenta y dos anyos na, ay naghahangad pang magtrabaho. Sanay sa gawaing bahay si Aleng Victoria dahil bago nangyari ang malagim na trahedya ng sunog, nakatira ang kanyang pamilya sa bahay na kaniyang naipundar noong nagtatrabaho siya bilang home service provider sa Gitnang Silangan.
Tulong kabuhayan naman ang inaasahan ng ilan sa barangay 221 bagama’t masaya si Punong Barangay Wilfredo Dabu, dahil sa pag-asang dala ng Radyo Trabaho team sa kanyang nasasakupan.
Liban sa mga barangay 213 at 215 na pawang positibo sa pag-asang dala ng Radyo Trabaho upang magakaroon ng pangmatagalang hanapbuhay ang taga roon, bukod tanging hiling ng barangay 227 ay maibsan ang pagsisikip ng mga kalsada sa kanilang nasasakupan dahil sa mga naghambalang na sa sasakyang nakaparada sa mismong kalsada ng barangay.
Ayon kay Kapitan Marlon Morante, maari pa kase itong makasagabal sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar na maari namang magbunga ng krimen.