Manila, Philippines – Daan-daang trabaho ang maaring aplayan ng mga pinoy sa Taiwan, Germany at Saudi Arabia sa prosesong “government to government.”
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration Deputy Administrator Joyce Turla-Sanchez, may job opening sa Taiwan para sa 100 factory workers; 350 na trabaho para sa nurses sa Germany; at 50 nurses sa Saudi Arabia para sa kanilang ministry of health.
Nagbabala din ang POEA sa mga naglipanang websites at social media accounts na ginagamit ng mga illegal recruiter para makapanloko ng mga applikante.
Bisitahin lamang ang tanging official website ng POEA na: www.poea.gov.ph.
Facebook Comments