Inihayag ngayon ng Department of Labor and Employment Region 1 na mayroong mga naghihintay na job opportunities para sa mga magsisipagtapos ngayon taon na mga senior high school students.
Ang naturang aktibidad ay sa ilalim ng 2023 Kalayaan Job Fair sa walong lokasyon sa rehiyon uno sa darating na ika-12 ng Hunyo kung saan ito na ang 131st na selebrasyon ng Kalayaan sa bansa.
Ayon sa kay Justin Marvella, Labor information officer, sa isang press briefing na magkakaroon ng pagpupulong ang Regional Director ng DOLE kasama ang mga employer makikilahok sa naturang job fair na ang mga nasabing aplikante ay mayroon nang kakayahang magtrabaho dahil skilled na ang mga ito sa trabaho.
Dagdag pa ni Marvella na ang dahilan ng pagdaragdag ng dalawang taon sa curriculum ay upang mahasa at makapaghanda ang mga ito sa mga trabahong kanilang papasukan pagkatapos ng Senior High School Level.
Panawagan naman ni Marvella sa mga employers na lalahok sa job fair ay sana daw ay huwag ganun kahigpit ang kanilang mga qualifications lalo na aniya ksa mga entry level positions.
Samantala, gaganapin ang limang job fair sa lalawigan ng Pangasinan sa mga bayan at lungsod ng Alaminos City, Dagupan City at Urdaneta City.
Tig isa naman sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union. |ifmnews
Facebook Comments