JOB READY | DepEd, tiwalang maraming mag-aaral na magtatapos ng SHS ang makakakuha agad ng trabaho

Manila, Philippines – Tiwala si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na maraming estudyanteng ga-graduate ng Senior High School (SHS) ngayong taon ang makakakuha agad ng trabaho.

Ayon kay Briones, ang mga SHS graduates na nakapagtapos ng Technical Vocational Livelihood (TVL) ay mataas ang tiyansang may makukuhang agad na trabaho.

Sa datos ng DepEd, aabot sa 1.2 million SHS student ang magtatapos ngayong school year.


Bagamat babala ng ilang grupo na hindi ‘job ready’ ang mga SHS graduates, tiniyak ng kalihim na idinisenyo ang K-to-12 program para ihanda ang mga mag-aaral hindi lang sa employment kundi maging sa kanilang magiging buhay pagkatapos ng pag-aaral.

Sa ngayon, mataas ang demand ng SHS graduates sa larangan ng imprastraktura, food industry, agriculture at tourism.

Facebook Comments