Bumaba ang bilang ng mga Pilpinong walang trabaho sa bansa nitong Pebrero.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 3.5% o katumbas ng 1.8 milyon na mga Pilipino ang walang trabaho nitong Pebrero na mas mababa mula sa 4.8% o nasa 2.47 milyong Pilipino na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.
Mas mababa rin ito sa 4.5% unemployment rate o nasa 2.15 milyon na mga Pilipino na walang trabaho noong Enero 2024.
Ito na ang pinakamababang unemployment rate na naitala mula December 2023 kung saan nasa 1.6 milyong Pilipino ang walang trabaho.
Samantala, tumaas naman sa 96.5% ang employment rate nitong Pebrero o katumbas ng 48.95 milyong Pilipino na may trabaho.
Facebook Comments