Jobless na Lalaki, Huli sa Kasong Child Abuse!

*Burgos, Isabela- *Bagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang lalaki na sangkot sa kasong pang-aabuso matapos isilbi ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. San Bonifacio, Burgos, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Valentino Garcia, 23 anyos, binata, walang trabaho, at residentr ng Brgy. San Bonifacio, Burgos, Isabela.

Nahuli si Garcia sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Andrew U. Barcena ng RTC Br 17, second Judicial Region Ilagan City, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse.


May inirekomendang piyansa ang korte na nagkakahalaga ng P80,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Nasa Burgos Police Station si Gracia para sa kaukulang dokumentasyon bago i-turn-over sa court of origin nito.

Facebook Comments