JOBLESS RATE | DOLE, nagpaliwanag

Manila, Philippines – Ipinaliwanag ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang bahagyang pagtaas ng jobless rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority nitong Oktubre.
Sa resulta ng psa October 2017 Labor Force Survey, tumaas sa 5 percent ang unemployment mula 4.7 percent sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Sa interview ng RMN kay Labor Secretary Silvestre Bello III – bahagya lang ang nasabing pagtaas at sa agricultural sector lamang ito dahil apektado ang kanilang trabaho ng panahon ng tag-lamig.
Sinabi naman ni Bello na ngayong Pasko, inaasahang dadami muli ang bilang ng mga may trabaho dahil sa demand sa labor force.
Tiniyak din ng kalihim na tutulungan ng labor department ang mga nawalan ng trabaho sa ilalim ng emergency assistance program.

Facebook Comments