Joblessness rate noong 2020, tumaas sa record-high na 37.4% – SWS Survey

Naitala ng Social Weather Stations (SWS) ang pinakamataas na average na joblessness rate.

Nitong 2020, umabot sa record-high na 37.4% ang joblessness rate, pinakamataas sa loob ng walong taon, kumpara sa 28.8% na naitala noong 2012.

Sa survey, nasa 27.3% ng adult labor force ang walang trabaho, mababa kumpara sa 39.5% noong September 2020.


Bago ang COVID-19 pandemic, ang joblessness rate sa bansa ay nasa 19.8% lamang noong 2019.

Ang mga jobless adults ay mga empleyadong boluntaryong umalis sa kanilang trabaho, naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon o nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng ekonomiya.

Tinatayang 12.7 million adult Filipinos ang walang trabaho noong November 2020, mababa sa 23.7 million noong September 2020.

Ang survey ay isinagawa mula November 21 hanggang 25, 2020 sa 1,500 respondents.

Facebook Comments