JOBSTART PH PROGRAM MOA NILAGDAAN NA NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG ALAMINOS

Nilagdaan na ang JobStart Philippines Program Memorandum of Agreement (MOA) ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos kasama ang Department of Labor and Employment at ang kinatawan ng DOLE Western Pangasinan Field Office Head Rhodora D. Dingle.

Ang Jobstart Philippines ay isa sa mga pangunahing programa ng DOLE.

Ito ay naglalayong mapalakas at mapabuti ang kakayahang magamit ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagbawas ng kanilang panahon sa paghahanap ng trabaho at pagdaragdag ng kanilang kakayahan at kaalaman sa pamamagitan ng pagsasanay.


Gayundin, upang madagdagan ang kapasidad ng Public Employment Service Office (PESO) sa maayos na employment facilitation services.

Facebook Comments