Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson, officially annulled na after 13 years

After 13 years of waiting, officially annulled na ang kasal nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson.

Ibinahagi ito ng aktres sa Instagram kasabay ng isang mahabang mensahe.

Aniya, hindi naging madali ang paghihintay ng mahigit isang dekada kung saan minsan na rin niyang kinwestyon ang plano sa kanya ng Panginoon.


Pero kalauna’y napagtanto ni Jodi na lahat ng naranasan niya ay parte ng magandang plano sa kanya ng Maykapal, na hindi siya iniwan hanggang sa masabi niya na “finally…CASE CLOSED”

Kasabay nito, pinasalamatan din ng aktres ang mga taong dumamay sa kanya kabilang na ang kanyang lawyer na aniya’y hindi sumuko sa kanyang petisyon.

Ikinasal sina Jodi at Pampi noong 2005 na kaparehong taon kung kailan isinilang ang kanilang anak na si Thirdy, habang naghiwalay ang dalawa noong 2011.

Facebook Comments