Jodi Sta. Maria, break muna sa social media

Inihayag ng aktres na si Jodi Sta. Maria na magbe-break muna ito sa social media.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Jodi ang isang picture na may nakasulat na “offline”.

Paliwanag ng aktres, gusto muna niyang mag-social media detox.


Say nito, less scrolling muna siya at mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang sarili.

Pero pagtitiyak naman ni Jodi sa kanyang fans, babalik din ito sa takdang panahon.

Nabatid na kadalasang trending si Jodi sa social media lalo na sa TikTok dahil sa mga kwela nitong videos.

Facebook Comments