John Legend, pinakilig at hinarana ang kanyang Pinoy fans

Pinakilig ni R&B and soul singer John Legend ang kanyang Pinoy fans sa Darkness and Light Concert niya kagabi, March 21, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Ilan sa mga kantang inawit niya ay mula sa album niyang Darkness and Light na ni-release lang noong nakaraang taon.
Hindi nawala sa kanyang mga kinanta ang hit song na “All of Me” na inabangan ng kanyang fans hanggang dulo.
Ikalawang concert na ito ni Legend sa Pilipinas. 2014 nang huling mag-perform si Legend sa Araneta Coliseum.
Nakilala din si John Legend sa mga kanta niyang “Ordinary People”, “Tonight” at “Love Me Now”




Facebook Comments