John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, hiwalay na nga ba?

Mula bulungan, ipinahayag ng isang PEP (Philippine Entertainment Portal) source na hiwalay na umano sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Ayon kay Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon, ipinahayag niyang may reliable source din na nagsabi sa kaniya sa umanong break up ng dalawa.

Dagdag ni Salve, si Ellen ang nakipaghiwalay kay John Lloyd dahil nagising na lamang ang aktres isang araw na ayaw niya na rito.


Nakita rin sa Instagram post ni Beauty Gonzales, malapit na kaibigan ni Ellen, na magkasama sila sa Thailand kasama si Elias Modesto.

Unang nagsama sina Ellen at John Lloyd sa Home Sweetie Home kung saan ay naging regular guest sa show ang aktres at napabalitaang may may relasyon ang dalawa noong 2017.

Pansamantala ring nagpaliban ang dalawa sa showbiz dahil nanganak si Ellen at inilabas na sa publiko si Elias Modesto sa kaniyang unang kaarawan nitong Hunyo 27.

Kinuha ng PEP ang komento ni John Lloyd ngunit wala pa naman siyang sagot ukol sa isyung ito.

Facebook Comments