Masayang ibinahagi ni John Lloyd Cruz na makakatambal niya si Jasmine Curtis-Smith para sa isang proyekto.
Ayon kay John Lloyd, excited na siyang makatrabaho si Jasmine at ang pagbabalik muli nito sa big screen.
Aniya, itinuturing nitong passion project ang gagawin nilang pelikula.
Wala naman ibinigay na karagdagang detalye ang aktor sa nasabing pelikula at kung sino-sino ang kabilang nito pero tiniyak niya sa fans na may malaking inihandang regalo ito sakanila.
Dagdag pa niya, magsisimula nang mag-shooting ng pelikula ngayong darating na Mayo at umaasa silang maipalabas ito ngayong taon.
Huling sumabak sa big screen si John Lloyd noong 2021 matapos ito pagbidahan ang pelikulang History of Ha.
Matatandaang nauna nang nagkatrabaho ang dalawa sa isang sitcom sa pinagatang Happy TogetHer noong 2021.