Island-hopping sa Cebu: John Lloyd Cruz, namataan sa palengke

Facebook/Bisayang Travelista Travel and Tours

Muling namataan ng publiko ang aktor na si John Lloyd Cruz mula nang ianunsyo ng Star Magic ang indefinite leave sa showbiz ng aktor noong October 2017.

Sa Facebook page na Bisayang Travelista Travel and Tours, ipinakita ang mga larawan ng aktor na namamalengke sa Moalboal Fish and Meat Market sa Cebu, Setyembre 2.

Kahit nakasuot ng itim na T-shirt, shorts, at shades, nakilala pa rin si John Lloyd na game namang pinagbigyan ang pagpapa-picture ng mga tao.


Bago ito, nag-ikot din ang aktor sakay ng motor base sa mga larawan noong Setyembre 1.

Facebook Comments