John Lloyd Cruz, pahinga muna sa showbiz

Showbiz – Magpapahinga muna sa showbiz ang aktor na si John Lloyd Cruz.
Sa isang statement ni Kane Choa, pinuno ng Integrated Corporate Communications ng ABS-CBN, na naka-post sa kanilang Instagram, sinabing nagkasundo ang network at si John Lloyd na mag-indefinite leave of absence muna para ayusin ang ilang personal na bagay.
Ayon sa network, mamamahinga muna sa labas ng bansa si John Lloyd at babalik ito sa ABS-CBN pagkatapos ng kaniyang leave of absence.

Matatandaang viral lagi ang mga larawan ni John Lloyd kasama si Ellen Adarna.

Facebook Comments