John Lloyd Cruz, patuloy raw na lumalaban para sa anak na si Elias

155

Malaki raw ang kinalaman ng anak niyang si Elias Modesto, sa pagbabago ng pananaw sa buhay ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Ito ang ibinahagi ni John Lloyd kasunod ng napipintong pagbabalik nito sa showbiz matapos ang pag-alis noong 2017.


Say ni Loydi, si Elias daw ang nagbigay ng saysay sa kanyang buhay kaya nagkaroon ng kabuluhan ito.

Sinabi ni John Lloyd na sa apat na taong pagiging pribado nito ay maraming nangyari at pagsubok na siyang pinagdaanan kung saan ang anak daw ang dahilan kaya patuloy siyang lumalaban at nagsusumikap.

Nabatid na si Elias ay anak ni John Lloyd sa dating live-in partner na si Ellen Adarna.

Facebook Comments