John Manalo, tinutukan daw ng baril ng holdaper

836
Instagram/@manalojohn

Ibinahagi ni dating “Goin’ Bulilit” star John Manalo ang naranasang panunutok ng baril ng isang holdaper noong Biyernes.

Kuwento ng aktor sa Twitter, bumibili lang siya ng pagkain nang mangyari ang panghoholdap.


“Tinutukan ng baril yung nagtatadtad ng liempo at manok ko. Natutukan din ako. Sobrang bilis ng pangyayari. Di ko alam rereact ko nung una. Nahihiya lang ako kasi nakita sigurong tumatakbo ako sa CCTV,” saad niya.

Isang netizen ang nagtanong kung totoo ba ang nangyari, na sinagot naman ni Manalo.

“Oo. Ganon pala feeling pag narinig mo yung kasa ng baril. Sobrang kalmado lang nung holdaper,” tugon ng aktor.

Siniguro naman ni Manalo na walang nasaktan sa insidente matapos na may rumesponde agad na awtoridad.

“Buti naman safe lahat. Buti nalang may mga authorities na nag roronda,” aniya.




Hirit pa ni Manalo sa huli, “Hassle lang kasi sobrang nag-crave talaga ako sa Baliwag lechon at chicken.”

Facebook Comments