Manila, Philippines – Manhunt operation ang inilunsad ngayon ng Manila Police District (MPD) sa agarang ikadarakip sa 9 na pangunahing mga suspek sa pagpatay kay Horacio Tomas Castillo III.
Ayon kay MPD spokesman Supt. Erwin Margarejo, itinuturing na nilang mga pangunahing suspek ang 8 opisyal ng Aegis Juris Fraternity at si John Paul Solano na siyang nagdala sa pagamutan kay Castillo.
Paliwanag ni Margarejo, kasabwat din ang mag-amang sina Antonio at Ralph Trangia na ginamit ang kanilang Mitsubishi Estrada na may plakang ZTV-539 para ihatid sa Chinese General Hospital si Castillo.
Dagdag pa ni Margarejo, suspek si Solano dahil nililito nito ang mga imbestigador sa pamamagitan ng pagsisinungaling sa kanyang mga pahayag.
Giit ni Margarejo, suspek ang 8 mga opisyal ng Aegis Juris fraternity dahil sila ang nagpasimuna sa isinagawang initiation rites na naging dahilan ng kamatayan ni Castillo.