John Paul Solano, hinamon ng pamilya Castillo na ikanta ang lahat ng kanyang nalalaman

Manila, Philippines – Para sa pamilya Castillo, itinuturing parin nilang isa sa mga principal o primary suspek ang sumukong si John Paul Solano.

Sa statement ng pamilya Castillo na ipinadala sa DZXL ng kanilang abugado na si Atty Adelfa Villar, hinahamon din nila si Solano na pangalanan ang lahat ng sangkot sa brutal na pagpatay kay Atio.

Nais din ng pamilya Castillo na idetalye ni Solano ang partisipasyon ng bawat myembro ng Aegis Juris Fraternity sa initiation rites kay Atio na naging dahilan nang pagkamatay nito.


Sinabi pa ni Atty. Villar na dapat sa pagkakataong ito ay magpakatotoo na si Solano at sabihin ang lahat ng kanyang nalalaman sa pamamagitan ng isang makatotohanang affidavit.

Kahapon inamin ni Solano na nagsinungaling sya sa kanyang mga sinabi sa media.

Una na kasing sinabi nito na natagpuan nya si Castillo sa panulukan ng H. Lopez at Infanta streets sa Barangay 133 Balut, Tondo nuong Sept. 18 alas ocho ng umaga.

Pero kahapon sa panayam ni Sen. Lacson sinabi nitong pinasaklolohan sa kanya si Castillo dahl mayruon syang medical background.

Bagamat welcome development ang pagsuko ni Solano nais parin ng pamilya Castillo na inguso nito ang lahat ng may kinalaman sa pagkamatay ni Atio.

Facebook Comments