John Paul Solano, inaasahan na lalabas na sa kulungan

Manila, Philippines – Muling iginiit ng Manila Police District na tanging Supplemental Resolution na lamang ang inaantay para tuluyan ng makalabas pansamantala si John Paul Solano ang pangunahing suspek sa pagkamatay kay hazing victim Horacio Castillo III.

Ayon kay MPD Spokesman Supt Erwin Margarejo Supplemental Resolution mula sa DOJ na lamang ang kanilang inaantay na nakasaad na pwede ng palayain si Solano.

Paliwanag ni Margarejo mahalaga ang Supplemental Resolution dahil nakasaad doon ang mga argumento kung bakit maaari ng palayain pansamantala si Solano habang nagpapatuloy ang kanyang kaso.


Umaasa ang MPD na anumang oras ngayon ay magpapalabas na ng Supplemental Resolution ang DOJ upang tuluyan ng pakawalan pansamantala si Solano.

Facebook Comments