John Paul Solano, makakalaya lamang kapag nagpalabas na ng supplemental resolution ang DOJ – MPD

Manila, Philippines – Inaantay na lamang ng pamunuan ng MPD ang Supplemental Resolution na nakasaad na pwede ng lumaya si John Paul Solano ang pangunahing suspek sa pagkamatay kay Horacio Castillo III.

Ayon kay MPD Spokesman Supt Erwin Margarejo hindi nila pwedeng palayain si Solano hanggat walang maipakitang Supplemental Resolution ang DOJ para tuluyan ng makalaya pansamantala si Solano.

Una rito nagpalabas ng Resolusyon ang DOJ kahapon para itasan ang MPD na palayain na si Solano pero naudlot ito dahil mayroon pang hinahanap na mga dokumenta ang MPD na nagsusuporta na maaari ng makalaya si Solano.


Inaasahan mamaya ay magpapalabas na ng Supplemental Resolution ang DOJ upang makakalaya na ang pangunahing suspek sa Castillo murder.

Facebook Comments