John Paul Solano, sumuko sa opisina ni Senador Lacson; Solano, itinangging may kinalaman sa pagkamatay ni Castillo

Manila, Philippines – Sumuko na ang main suspect sa pagpatay sa hazing victim na si UST law student Horacio Castillo III.

Ang suspek na si John Paul Solano ay personal na isinuko ni UST Civil Law Dean Nilo Divina kay Senator Panfilo Lacson at kay Manila Police District Chief Supt. Joel Coronel sa opisina ng senador sa Bonifacio City sa Taguig.

Ayon kay Dean Divina – nakatulong sa pagsuko ni Solano ang kanyang ama dahil malapit siya sa ama ni John Paul.


Sa kaniyang pagharap sa media, sinabi ni Solano na wala siyang partisipasyon sa ginawang initiation rites kay Castillo ng Aegis Juris Fraternity.

Ayon kay Solano – tinawagan lang siya upang magbigay ng medical assistance kay Atio na noon ay nag-aagaw buhay na.

Humingi naman ng paumanhin si Solano sa pamilya Castillo sa pagsisinungaling.

Ayon pa kay Solano, lumantad siya upang linisin ang kanyang pangalan.

Si Solano ay itinurn over ni Lacson kay MPD Chief Ssupt. Joel Coronel.

Facebook Comments