John Paul Solano, umiwas sa magulang ni Horacio Castillo III

Manila, Philippines – Tumangging humarap ang nakapiit John Paul Solano sa mga magulang ng hazing victim na si Horacio Castillo III.

Kahapon nang magtungo sa Manila Police District ang magulang ni Castillo para sana makausap si Solano.

Ayon kay MPD Director Chief Supt. Joel Coronel, nagpasabi si Solano na kakausapin lamang niya ang mag-asawang Solano kapag kasama na nito ang kanyang legal counsel.


Umaasa naman ang mga magulang ni Atio na makakausap ang suspek sa pagdinig ng Senado ngayong araw.

Facebook Comments