Johnson & Johnson vaccines, sinimulan nang iturok sa senior citizens sa Muntinlupa

39

Sinimulan na ng Muntinlupa City government ang pagbabakuna ng Janssen COVID-19 vaccines sa senior citizens o sa A2 priority group sa Muntinlupa City.

Ayon sa Muntinlupa Local Government Unit (LGU), napagkasunduan nila na gamitin lamang sa mga nakatatanda ang single dose Janssen COVID-19 vaccines na bigay ng national government.


Ito ay dahil sa limitado lamang ang supply ng nasabing brand ng bakuna.

Anila, ang sektor ng senior citizens ang prone sa severe COVID-19 kaya napagpasyahan na sa kanila na muna ito gagamitin.

Ang kailangan lamang gawin ay iparehistro online ang mga nakatatanda para mabigyan sila ng slot sa pagbabakuna.

Facebook Comments