Nalagdaan na ang joint circular para sa panuntunan sa pagbibigay ng night shift differential pay sa mga kawani ng pamahalaan.
Lumagda sa joint circular sina Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Alexi Nograles, at Governance Commission for Government Owned or Controlled Corporations (GCG).
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, layunin ng Joint Circular ay para sa malawakang pagpapabatid sa mga ahensya ng pamahalaan ang malinaw na panuntunan sa paggawad ng night shift differential pay upang masiguro ang iisang interpretasyon sa polisiya at epektibong pairalin ang isinasaad ng Republic Act 11701 at ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.
Binigyang-diin ng kalihim ang pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa sakripisyo ng mga nagseserbisyo sa gobyerno at patuloy na pagsuporta ng DBM sa kanilang pagsisikap.
Sinabi naman ni GCG Chairperson Alex Quiroz na ang night differential ay isang much-deserved benefit ng public servants, lalo na sa mga nagtatrabaho nang lagpas sa ordinaryong oras.