Naging mainit ang isinagawang joint committee hearing ngayong araw ika-14 ng Setyembre sa Pangasinan Training Center 1 bayan Lingayen.
Pinangunahan ang nasabing pagdinig ng mga miyembro Sangguniang Panlalawigan, Gobernador ng Pangasinan, mga grupo at asosasyon ng mga mangingisda, mga alkalde sa mga nabanggit na bayan maging mga ahensya DPWH Region I at Pangasinan 2nd District Engineering Office at PENRO.
Sa naging pagdinig, unang inilabas ng mga apektadong mangingisda ang kanilang mariing pagtutol sa naturang seawall dahil maaapektuhan anila ang kanilang pangunahing mapagkukunan ng hanapbuhay na pangingisda.
Matapos ipresenta ng DPWH Region I ang kanilang proyekto, naglabas na rin ng pahayag ang mga alkalde ng bayan na si Mayor Leopoldo Bataoil at si Mayor Pete Merrera ng Binmaley.
Dito ipinahayag ng alkalde ng Lingayen na aniya bago pa man dapat ipatayo ang naturang proyekto ay kailangang maisagawa muna ang masusing proseso at masusing pagpupulong ukol sa proyekto. Sinabi pa nito na kailangan maipaliwanag ang ipapatayong proyektong ito ng gobyerno.
Pinagdiinan naman ng alkalde ng Binmaley ang kanyang hindi pagsang-ayon sa proyekto at kanya ring hinamon ang naturang District Engineering Office kung aniya pinag-aralan ba talaga ang naturang proyekto dahil kulang aniya sa lahat.
Samantala, sa naging pahayag naman ng gobernador ng Pangasinan na si Ramon Guico III na sana aniya ay dumalo ang mga head ng DPWH upang masagot ng tama ang mga katanungan ukol sa proyekto.
Isa sa mainit na napag-usapan sa pagdinig ang kawalan ng proper consultation maging ang kawalan ng masterplan sa naturang proyekto. |ifmnews
Facebook Comments