Joint committee na magrerebisa sa IRR ng GCTA, binigyan ng 2 linggong deadline

Mayroong dalawang linggo ang joint committee na magrerebisa sa implementing rules and regulation (IRR) ng Republic Act 10952 o Good Conduct Time Allowances (GCTA).

Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete – may hanggang Setyembre a-dose ang komite para isumite ang kanilang report at mga rekomendasyon sa Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa GCTA.

Aniya, layon rin ng joint review na malaman kung may mga hindi pagkakatugma sa pagitan ng IRR at sa isinasaad ng RA number 10592.


Facebook Comments