Joint development efforts sa WPS, hiniling na i-recalibrate

Hiniling ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na baguhin ang mga terms o nakatakda sa joint development efforts sa West Philippine Sea (WPS) sa pagitan ng China.

Ang suhestyon ay kaugnay na rin sa termination ng negosasyon ng Pilipinas sa China sa joint exploration sa WPS.

Ayon kay Salceda, mainam na pagkakataon ito para baguhin ng gobyerno ang mga nakasaad sa joint efforts tulad ng pagkakaroon ng bansa ng sariling exploration para sa oil at gas reserves.


Naniniwala ang kongresista na nasa ‘best interest’ pa rin dapat ng bansa kung paano pakikinabangan ang mga resources sa West Philippine Sea bago pumasok sa isang joint development efforts.

Inirerekomenda ni Salceda kay PBBM na muling makipag-negosasyon sa China sa paraang naka-inventory ang bawat energy assets sa WPS kaakibat na sasailalim ito sa international observation at audit.

Sa ganito aniyang paraan ay alam ng pamahalaan kung anong uri ng resources ang may kasunduan nang hindi nababalewala ang soberenya ng bansa.

Facebook Comments