Joint exercise “Iron Blade”, isinagawa sa pagitan ng PAF at United States Pacific Air Force

Nagsagawa ng bilateral integration exercise ang Philippine Air Force (PAF) at United States Pacific Air Force.

Ang bilateral exercise na tinaguriang “Iron Blade” ay kinabibilangan ng combined force ng dalawang FA-50PH fighter aircraft, 2 US Air Force FA-22s at US Air Force C-130 Hercules Transport Aircraft.

Isinagawa kahapon ang formation flights mula sa Basa Air Base sa Pampanga patungong Brigadier General Benito N Ebuen Air Base sa Mactan, Cebu.


Bukod sa mga aerial manuevers, nagkaroon din ng Subject Matter Expert Exchanges sa Pampanga na nakatuon sa flight operations at maintenance, habang sa Mactan, Cebu naman ay isinagawa ang nga cargo-related exchanges.

Ang “Iron Blade” ay bahagi ng PCAF redeployment activities matapos ang kanilang partisipasyon sa Pitch Black exercise sa Australia.

Isa ang Pilipinas sa kanilang mga stop over points bago tumungo sa Kadena Air Base sa Japan.

Ang naturang joint exercise at patunay ng malakas na ugnayan ng Pilipinas at US sa kanilang patuloy na pangakong pagbibigay ng seguridad at katatagan sa rehiyon.

Facebook Comments