Manila, Philippines – Kinontra ng ilang senador ang mga nag-aakusa na isinuko na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China ang West Philippine Sea at ang kinabukasan ng bansa.
Ito ay kaugnay ng joint exploration sa West Philippine Sea at pag-utang ng Pilipinas sa China.
Ayon kay Sotto, may impormasyon na siya hinggil sa hindi pa isinasapublikong Memorandum of Understanding (MOU) ukol sa joint exploration.
Giit naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, panalo pa nga ang dalawang bansa sa mga kasunduan at pagpapalakas ng ugnayan ng mga ito sa pagtutulungang sa paghahanap ng langis sa West Philippine Sea.
Aniya, malaki ang pakinabang nito sa Pilipinas lalo na at ang magiging hatian ay 60 percent na pabor sa bansa habang 40 percent ang sa China.