Joint exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea, hiniling ng isang senador

Nanawagan si Senator Robinhood Padilla na simulan ang joint gas at oil exploration ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Padilla sa kanyang manifestation sa plenaryo na simple lang ang kanyang punto na ang joint development exploration ay paraan para maiwasan ng mga bansa ang pagkakaroon ng isyu sa soberenya habang magkasabay na sinasaliksik ang mga likas na yaman para sa pagpapaunlad sa napagkasunduang lugar.

Giit ng senador, kung hindi sisimulan ngayon ay kailan pa balak kumilos para mapakinabangan ang mga yaman na mayroon sa teritoryo.


Tinukoy pa ni Padilla na sa kanyang pagbisita sa West Philippine Sea noong 2021 ay marami nang nakapwesto doon na naglalakihang industrial Chinese vessels na nagkukubling fishing vessels.

Kung hindi aniya ito aagapan sa isang kasunduan ay hindi aniya malabo na walang mapapakinabangan na likas na yaman ang mga Pilipino dahil naubos na ng China.

Facebook Comments