Manila, Philippines – Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte hindi niya pinababayaan ang karapatan ng Pilipinas sa pinagaagawang teritoryo sa South China Sea sa paitan ng Pilipinas at China.
Ayon kay Pangulong Duterte, mayroong mga pag-uusap ngayon sa pagitan ng gobyerno at ang hindi pinangalanang partner para sa planong oil exploration project sa pinagtatalunang teritoryo.
Hindi naman nagbigay ng buong detalye si Pangulong Duterte kaugnay sa nasabing usapin.
Sinabi kasi ng Pangulo na igigiit nito sa China ang karapatan ng Pilipinas sa nasabing teritoryo kapag nagsimula na itong maghukay ng langis sa lugar kaya siya humanap ng Partner para makapagexplore din ng langis ang Pilipinas o Joint Exploration at hindi lang ang China.
Binanatan din naman ni Pangulong Duterte si Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na nagsasabi na dapat ipaglaban ng Pangulo ang karapatan ng Pilipinas sa South China Sea.
Hinamon ni Pangulong Duterte si Carpio na kausapin ng personal si Chinese President Xi Jinping at ipilit ang karapatan ng Pilipinas at sasamahan pa aniya ito sa China.
Sinabi din ni Pangulong Duterte na hindi kaya ng Pilipinas na makipag giyera sa China at mas magandang makipagkaibigan muna dito.
Joint exploration sa West Philippine Sea kinumpirma ng pangulo, ka-partner ng Pilipinas hindi pa pinangalanan ng pangulo
Facebook Comments