Manila, Philippines – Nakikipag-usap na sa kanyang counterpart sa kamara si Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement Chairman JV Ejercito para magsagawa ng joint hearing.
Kaugnay ito sa pag-okupa ng grupong Kadamay sa housing project ng National Housing Authority sa Pandi, Bulacan.
Sa kanyang Senate resolution no. 332, iniutos ni Ejercito ang pag-iimbentaryo kung ilang housing units pa ang hindi naookupahan para maibigay agad sa tamang benepisyaryo nito.
Aniya, pagsasayang sa pondo ng gobyerno ang matagal na paggagawad ng mga pabahay.
Sa ngayon, pinaplantsa na lamang kung kailan isasagawa ang joint hearing kahit na naka-break ang dalawang kapulungan.
Facebook Comments