Joint investigation ng PCG at Marina sa paglubog ng MT Terra Nova, ikinasa

Nakauwi na sa kani-kanilang mga pamilya ang lahat ng mga crew ng lumubog na MT Terra Nova.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, kabilang na rito ang labi ng isang crew na nasawi matapos unang mapaulat na nawawala at marekober ang katawan kahapon ng hapon.

Kaninang madaling araw nang makauwi ang sampu sa mga tripulante habang nakabalik na rin ang anim na na-rescue sa Bataan matapos gamutin.


Samantala, tiniyak naman ni Balilo na ginagawa lahat ng PCG upang hindi na magkaroon ng pagtagas ng langis lalo na’t nasa 1.4 million litro ang karga ng lumubog ng barko sa Manila Bay.

Pinangangambahan aniya na makarating sa baybayin ng Maynila ang langis sakaling magka oil spill lalo na kung patungo rito ang direksyon ng hangin.

Magkakasa naman ng joint investigation ang PCG at Marina kaugnay sa insidente upang alamin kung may pananagutan ang kumpanya kahit una nang sinabi na walang nilabag ang kanilang paglalayag.

Facebook Comments