Joint investigation sa Recto Bank, kinatigan ni Senator-elect Bong Go

46

Isang daang porsiyento na suportado ni Senator-elect Christopher Bong Go ang mungkahing joint investigation sa Recto bank incident.

Base sa napag usapan sa Thailand, mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ang nagmungkahi na dapat magkaroon ng joint investigation ang Pilipinas at China ukol dito.


Sinabi ni Go, kung sakali namang magkasundo ang dalawang bansa sa usapin ng accountability at kung sino ang may kasalanan dapat lang na panagutin ito.

Titiyakin ni Go na irerespeto ang karapatan ng mga mangingisda at uunahin ang interes ng mga ito.

Ang dating Special assistant to the president ay dumalaw sa mga pamilyang nasunugan sa Project 4 sa Quezon City kamakailan.

Facebook Comments

From Advertisers