Joint Maritime Patrol ng PCG at US Coast Guard sa WPS, pinaplantsa

Pinag-uusapan na ang posibilidad ng pagsasagawa ng joint patrol sa West Philippine Sea (WPS) ng mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng US Coast Guard.

Sinabi ni Coast Guard Spokeperson for WPS Commodore Jay Tarriela na ang joint patrol sa pagitan ng PCG at US Coast Guard ay bahagi ng freedom of navigation efforts ng Amerika.

Naniniwala si Terriela na aani ng suporta ang planong joint patrol mula sa mga kalapit na bansa sa Asya dahil malaking bagay ito sa mga barko na naglalayag sa bahagi ng WPS.


Idinagdag ng opisyal na isasama ang laser technology sa rules sa paggamit ng pwersa, matapos ang panunutok ng military grade laser lights ng Chinese Coast Guard sa barko ng PCG noong February 6 sa Ayungin Shoal.

Gayunman, ito aniya ay dadaan pa sa pag-apruba ng National Task Force on West Philippine Sea.

Facebook Comments