Joint military exercise o ang MAREX 2022 PH sa pagitan ng Philippine Marines at US Marines, umarangkada na

Nagsimula na ang joint military exercise o ang “MAREX 2022 PH” sa pagitan ng Philippine Marines at US Marines sa lalawigan ng Tawi-Tawi.

Ang pagsasanay ay pinangunahan ng Marine Ready Group (MRG) Tawi-Tawi sa pamumuno ni Col. Nestor Narag na siya ring Deputy Brigade Commander ng 2nd Marine Brigade.

Ayon kay 2nd Marine Brigade Commander, BGen. Romeo Racadio, sa unang araw ng bilateral exercise kasama ang kanilang US Marines counterpart ay nagkaroon muna ng “meet and greet” sessions.


Nagkaroon din ng lectures mula sa mga experts kung saan ilan sa tinalakay ay ang special equipment and procedures, capability brief, safety procedures, at planning processes.

Natapos ang unang araw sa pagsasagawa ng rehearsals, Field Training Exercises at After Action Review and debriefings.

Isinailalim naman ang lahat ng participants sa mandatory antigen test para na rin sa kaligtasan ng mga ito laban sa coronavirus.

Facebook Comments