Joint operations ng PNP at AFP sa Northern Luzon, mas palalakasin

Napagkasunduan ng Philippine National Police (PNP) at Northern Luzon Command (NOLCOM) na mas palakasin pa ang kanilang inter-agency cooperation.

Sa isang pahayag, sinabi ng NOLCOM na nagsagawa ng courtesy visit si NOLCOM Commander Lt. Gen. Fernyl Buca kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., sa Camp Crame.

Dito napag-usapan ang pagpapaigting ng joint operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP sa Northern Luzon lalo pa’t nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Closed-door executive session umano ang nangyari kung saan tiniyak ni Acorda ang pagpapdala ng dagdag na tauhan mula sa PNP Regional Mobile Force Battalion na tutulong sa Community Support Program Teams for Urban Operations sa NOLCOM.

Samantala, ibinida ng parehong kampo na dahil sa kanilang pagtutulungan, naaresto nitong September 22, sa Isabela si Michael Araña na isang komunistang terorista at secretary ng komiteng probinsiya ng Isabela.

Facebook Comments