Posibleng umarangkada sa third quarter ng 2023 ang joint patrols ng Pilipinas at Amerika sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isang panayam, sinabi ni Philippine Ambassador to the United State Jose Manuel “Babe” Romualdez na patuloy ang diskusyon sa nasabing joint patrol.
Magugunitang nagkasundo ang dalawang bansa na palawakin ang kooperasyon sa maritime security sa pamamagitan ng sabayang pagpapatrolya sa teritorial waters ng Pilipinas.
Samantala, umaasa ang UP Director of the Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Professor Jay Batongbacal na magbabago ang ugali ng China kasunod ng pahayag ng US na handa itong protektahan ang Pilipinas pagdating sa isyu sa South China.
Facebook Comments